Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus sa buong mundo, ay ang pagdami rin ng paraan upang subukang maagapan ito. Andyan na ang tatlong na pinakapinapaboran ng nakararami—ang maiging paghugas ng kamay, pagsusuot ng mask, at ang social distancing.
Sa ngayon ay tuluyan nang tinanggal na ang lockdown sa Berlin, ang capital ng Germany, na ang ibig-sabihin ay malaya nang nakakalabas ang mga tao rito at pumunta sa mga pampublikong lugar. Ngunit ang kalayaang ito ay mayroong kapalit—ito ay ang pagbibigay ng sariling phone numbers sa mga estrangherong makakasalumaha nila araw-araw.
Ito ay tinatawag na‘corona logs’—bagong mandatory rule na ginawa ng German health authority detectives, at ang rason: Upang makatulong sa pag-trace kung sino ang pumunta saan, ang kung gaano katagal ito nandoon, kung sakali mang may bagong mahawa ng virus.
Dahil sa bagong panuntunang ito, sa isang ‘normal’ o ‘new normal’ na araw sa syudad, ay maaaring makapagbigay ang isang tao ng contact details nito sa iilang tao—o mas marami—kapag naisipan nitong lumabas—tulad nalang nang pag-kain sa isang restawran, simpleng pagpapagupit, o kaya naman pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.
Inaamin naman ng mga tao dito na ang bagong rule ay hindi madali, lalo na’t gaya ng ibang lugar, ang privacy sa Berlin ay napakalaking bagay.
“Somehow it feels OK because it’s just on paper and not online,” bahagi ng isang graphic designer na taga Sabine Baum, habang nagsusulat ng kanyang pangalan sa isang piraso ng papel habang naghihintay ng kanyang inorder na kape sa isang coffee shop.
Maliban sa kakaibang rule na ito, meron pang iilang paparating na panukala na maaaring maisakatuparan, tulad ng pagsusuot ng mask sa loob ng sauna sa panahong magbukas ito.
Mahigpit man ang gobyerno ng Berlin pagdating sa mga patakarang ito, ang lockdown naman dito ay hindi kasing higpit tulad ng mga ibang naglalakihang syudad sa mundo.
Ngunit ang tototo, bago pa man ang lockdown, kumpara sa ibang malalaking syudad sa Amerika at Asia, ay sadyang tahimik na umano ang lugar na ito.
Sa kasalukuyan naman, bagama’t may ibang bagay na makikitang—halos—parang normal na dito, tulad ng mga batang balik-eskwela, mga abalang restawran sa gabi, at iilan pang araw-araw na kaganapang makikita sa daan, hindi narin talaga maiiwasang makita ang mga malalaking pagbabago sa paligid.
Tulad nalang ng paglalagay ng mga traffic light ng isang public swimming pool upang mapigilan kung iilang tao lamang ang maaring gumamit nito ng sabay.
Meron ding mga vending machines na imbes magbenta ng candy at condoms, ngayon ay meron na lamang itong disinfectant at masks.
Pagbabawas ng halos 500 upuan sa noo’y 700 seaters na sinehan upang masiguro ang distancing.
Imbes na drive-in restaurants, ay mga drive-in na simbahan at corona test centers.
At mga plexiglass dividers sa mga pampublikong lamesa tulad ng makikita sa mga parks.
Kung para sa atin ang pagbibigay ng phone number sa hindi natin kakilala ay isang uri ng kahibangan dahil sa mga posibleng resulta nito, sa Berlin naman ito ay isang uri ng pagtulong nga mga mamamayan sa kanilang gobryerno upang tuluyan nang tapusin ang pagkalat ng Coronavirus.
Maaaring kakaiba at siguro’y nakakatawa ang iilan sa mga bagong panuntunang ito, ngunit sa patuloy na pagtaas ng kaso sa Pilipinas, hindi kaya dapat na gawin narin natin ‘to?
Source: nytimes