‘Power of Real Human Connection and How Easy it Really is,’ー ito ang nais ipakita ng Photograper na si Johanna Siring sa mga kuha niya sa isang Festival sa Denmark.
Si Johanna ay isang New York- based Norwegian artist na nasa likod ng nag viral ng ‘10 before and after photos ng mga taong kinuhanan niya ng litrato bago at matapos niya itong bigyan ng halik ーna tinawag niyang ‘Kiss a Stranger.’
Ayon dito, gusto niyang idokumento ang free-spirited mentality vibe ng mga dumalo sa festival, at kung gaano kadali ang pakikipaghalubilo kahit pa sa mga bagong nakikilala natin.
Dito ay nilapitan niya ang mga random na tao at kinuhanan ng litratoー[kahit anong kasarain o lahi] at pagkatapos ay ipinaliwanag niya ang kanyang ideya/project, tyaka niya ito hiningian ng isang concensual kiss, at pagkatapos ay kinuhanan ng isa pang litrato.
Game na game naman ang mga taong ito, at ayon sa photographer, panandaliang kinalimutan ng mga ito ang mga ‘Dapat at Hindi Dapat,’ at sa halip ay naging totoo ito sakanilang mga sariliーat makikita nga sa after shots kung gaanong nag-iba ang reaksyon ng kanyang mga subjects matapos niya itong halikan.
Ayom ka Johanna, ito ay may biological explanation:
"Kissing sparks all the nerve endings in your lips,"
"causing a release of dopamine and a surge in oxytocin. It's an instantaneous stress reliever and creates an immediate emotional bond between two people."
Ayon pa sa Photographer, sa pamamagitan ng kanyang ginawa ay naipakita kung gaano kasimple ang gumawa ng koneksyon sa iba.
"We are all just human beings with the same basic instincts. By creating new relationships and learning about the thoughts and ideas of strangers, we might be able to build bridges and combat ignorance and judgement.”
Naipakita rin ng project na ginawa ni Johanna na ang simpleng paglapit, pakikipag-usap at pagkilala sa taong iyong nakakasalamuha ay maaaring maging tulay upang tuluyang maiwasan ang kamangmangan at panghuhusga laban sa iba.
Bagama’t simple ay naging makabuluhan ang ginawa ni Johanna, lalo na sa panahon ng bagong teknolohiya. Para sa ilan saatin, ang tradisyonal na social media tulad ng fb, instragram, twitterーay “pwedeng” tumulong sa’tin upang kumonekta sa iba, ngunit madalas sa halip na magkaroon ng tunay at makabuluhang relasyon, ang mga ito ay mababaw at kung minsan ay isang pagpapanggap lang.
I like your post” vs. “I understand something about you and want you to understand me, too.”
Kaya matatawag nga ba nating tunay ang mga koneksyong ‘toー’like’ at ‘heart’ o ‘follow’?
Sapat nga ba ito upang lubos na makilala ang tao at ang mga pinagdadaanan nito? At gumawa ng ‘Real Connection?’
Maaari ngang may naidudulot na maganda ang social media, ngunit ito rin naging malaking dahilan kung bakit naging limitado na ang oras natin para sa totoong uri ng komunikasyonーang pakikipagsalamuha, at pakikipag-usap ng harap-harapan sa mga taong ating nakakasama at bagong nakikilala.
Source: boredpanda