Nauuso na nga ang samu’t-saring pakulo pagdating sa pagpo-propose—may ilang engrande talaga at may iba namang simple lang.

Pero kakaiba ang naisip ng isang lalaking ito na taga Ashon, Idaho—ito’y nakaisip ng isang paraan upang mas lalong hindi makalimutan ng nobya ang proposal nito—at baka pagnapanood mo ang video ay ikaw din!

Ito ang storya ng magkasintahan na viral ngayon matapos i-post ang video ng isang sweet at simpleng proposal sana, ngunit nilagyan ng nobyo ng makalaglag-pangang twist.

Kamakailan lang ay nag-propose si Zaden Gillette sa nobya nitong si Courney sa isang bangin na katabi ng isang falls sa Ashton, Idaho, ang Mesa Falls.


Sa kuha ng video, makikitang nakaluhod na ang isang tuhod ni Zaden tanda ng pagpo-propose nito, ngunit nang ipakita na nito ang kahong naglalaman ng singsing ‘disgrasyang nabitawan’ niya ito at nahulog sa baba ng bangin.

Ang nobya naman nito ay hindi makapaniwala sa nangyari at dali-daling pumunta sa kabilang bahagi ng bangin upang subukang hanapin ang kahon.

Habang tinuturo naman ng natatarantang si Courtney sa nobyo nito kung nasaan ang kahon, si Zaden naman ay sinusubukang pigilan ang tawa nito at naghahanda na rin upang gulatin si Courtney sa totoo nitong sorpresa.

Ilang segundo pa ang nakalipas, nang humarap na si Courtney, ay nakita niya na ang nobyo na nakababa ang isang tuhod at sa isa pang pagkakataon—seryoso na—ito ay nag-propose sakanya.





Yes!! It’s a PRANK!

Ang lahat ay parte lamang ng surprise proposal ni Zaden, at ang nahulog na kahon umano ay walang lamang singsing.

Sa isang panayam, ikinuwento ni Zaden, na isang salesman, na nakuha niya umano ang ideya ng prank sa isa sa kanyang mga customers.

Ang kahon na ‘nahulog’, este, hinulog ni Zaden ay isa umanong biodegradable box.

"Courtney's reaction was completely genuine. She was really shocked and trying to figure out how to get down the cliff to get the ring,”

After I proposed with the real one, she was extremely happy and overjoyed and bawling."


Ang video naman ay ipinost sa Tiktok at wala pang isang linggo, ito’y umabot na ng 1 million views—dahil sa nakakagulat, nakakakaba, nakakatawa, nakakatuwa at nakakakilig na proposal prank ni Zaden.

Na-prank man, ay buong puso paring sinagot ng ‘YES’ ni Courtney si  Zaden at ang dalawa ay parehong umuwing masaya.


Congratulations Zaden at Courtney! Nawa’y mas maging masaya pa ang inyong pagsasama.

Source: buzzfeed