Brazil President, Jair Bolsonaro, nag positive sa Covid-19, ayon sa panayam nito noong Martes.
Ang 65-year-old na Presidente na kilala sa pakikipaghalubilo sa mga tao ng walang mask, ang siya mismong nagkumpirma ng resulta ng kanyang test sa media habang nakapalibot ang mga ito sa kanya sa Capital ng Brazilーat ito ay nakasuot na ng face mask.
"the democratic leader who has most denied the seriousness of this pandemic," ーito ang pahayag ni Mauricio Santoro, political science professor at the State University of Rio de Janeiroー matapos ng ilang buwan umanong pagsasawalang bahala ng Presidente sa kanyang nasasakupan sa kabila ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mga namamatay dahil sa virus.
"Him getting infected is a blow to his credibility. It will be seen as another example of the failure of his coronavirus response."
Sa kasalukuyan, ang Brazil ay isa sa mga naging sentro ng outbreakーna may bilang na 1.5 million ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, at humigit kumulang na 65,000 na Brazillians na ang namatay dahil dito. Ang parehong bilang ng kumpirmadong kaso at namatay ay pumapangalawa sa buong mundo at sinasabing isa sa malaking dahilan nito ay ang kakulangan ng widespread testing. Noong Martes lamang ay nasa 1,254 ang namatay dahil sa virus.
Sa isang panayam, sinabi ni Bolsonaro na wala ng magagawa pa upang mapigilan ang pagkakaroon ng virus ng mahigit na 70% ng populasyon ng kanyang kinasasakupan. Dagdag pa nito na ang pag shut down ng mga lokal na awtoridad sa mga establisyemento ay magpapalala lamang ng sitwasyon kung kaya’t mas mainam umano na hayaan nalang ang virus.
Naniniwala rin ito na ang kanyang pagiging atleta noon ang magpoprotekta sa kanya laban sa virus at ito umano ay isa lamang “little flu” kung sakaling tumama man ito sa kanya.
"You can't just talk about the consequences of the virus that you have to worry about. Life goes on. Brazil needs to produce. You need to get the economy in gear,” -panayam ni Bolsonaro kung saan kinumpara rin nito sa ulan ang virus na kung saan lahat ng tao ay matatamaan.
Sa ngayon ay unti-unti ng nagtatangal ng restricitons ang ilang syudad ng Brazil matapos nang bahagyang pagbaba ng bilang ng namatay at ng mga pasyente sa intensive care unit noong nakaraang buwan.
"Our president is a popular man. He is showing that he isn't afraid to die," "He is going to have health and get through this sickness,” ーisa sa supporters ng Presidente, habang nagsasalita sa harap ng mga tao sa kalsada ng Brazil.
Ang World Health Organization's emergencies chief na si Dr. Michael Ryan, ay nagbigay naman ng kanyang mensahe para kay Bolsonaro:
"brings home the reality of this virus" by showing that it doesn't distinguish between "prince or pauper."
Si Bolsonaro ay sumailalim sa lung X-ray noong Lunes matapos magkaroon ng lagnat at pananakit ng katawan, ayon mismo sa kanya. At noong Martes ay bumaba na umano ang kanyang lagnat at ito’y ipinagpapasalamat niya sa hydroxychloroquine, isang anti-malaria drug, kahit hindi pa ito napapatunayang epektibo na panlaban sa COVID-19.
I'm, well, normal. I even want to take a walk around here, but I can't due to medical recommendations,"
"I thought I had it before, given my very dynamic activity. I'm president and on the combat lines. I like to be in the middle of the people."
Gayunpaman, kinumpirma nito na kinansela na niya ang kanyang up coming visit sa Bahia states at sinabing ipagpapatuloy ang kanyang trabaho via videoconference at tatanggap lamang umano ng bisita kung kailangan nitong pumirma ng dokumento.
Source: mainichi