Hindi biro ang mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa para lang masustentuhan at maibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga anak at sa buong pamilya. Malaki ang naging sakripisyo ng mga taong tinatawag natin na mga Overseas Filipino Workers o mga OFW sa pamilya nila at maging sa ating bansa.

Kaya labis na lamang ang paghingi ng tulong ng isang babae sa Facebook kung saan makikita ang kanyang posts na hinihingi ang atensyon at tulong ng marami na mahanap ang kanyang ama.

Nag post ang isang babaeng nagngangalang Gerlyn Dayrit sa Facebook tungkol sa paghahanap ng kanyang ama na buwan ng missing. Sinabi niya noong March 28, 2021 ay nawala ang kanyang ama habang nasa duty ng 1 AM ng madaling araw. 

Hinahanap niya ang kanyang nawawalang ama na isang Sec. Mate na nagngangalang Geronimo Dayrit. 

“March 28, 2021 po siya nawala while on duty 1 AM ng madaling araw sa barko, Australia to Singapore yung route nila nun,” caption ni Gerlyn sa kanyang post.

Sinabi niya na ilang beses na silang humingi ng assistance at mga advices sa isang agency para lang mahanap na ang kanilang ama na nagtatrabaho sa barko.

“We kept on asking for assistance and advice on how we could deal regarding this matter sa agency (Friendly Maritime Services Inc.),” sulat ni Gerlyn sa kayang post.

Ngunit, walang natanggap na sagot ang pamilya ni Gerly at sinabi niya binabalewala lang sila. Nag send naman ang agency ng investigation report ngunit gusto malaman ng kanyang pamilya kung ano talaga ang totoong nangyari. 

Ayon kay Gerlyn, walang puruhan na mag ju-jumpship ang ama niya dahil masaya naman talaga yung pamilya nila. Wala silang mabigat na problemang hinaharap at lalong lalo na hindi matatanggap ni Gerlyn ang rason na nag commit ng suicide ang kanyang ama.

“Sobrang bait ng papa ko, marunong makisama lalo na sa crew,” dagdag ni Gerlyn. 

Malakas ang kutob ni Gerlyn na may hindi sinasabi ang agency o di kaya ang kompanyang pinagtatrabahuan ng kanyang ama at maging ang kanyang mga kasamahan sa barko tungkol sa pangyayari. 

“It seems that there is a foul play here po. Lalo na sa mga kasamahan niya sa barko. The agency has been suspiciously hiding something,” ani ni Gerlyn. 

They won’t disclose any information with regards to the crew members of the ship,” dagdag niya.

Humingi ng tulong si Gerlyn sa mga news agencies at sa programang Tulfo para lamg atulungan siyang maayos na malinis na ma imbestigahan ang totoong nangyari sa pagkawala ng kanyang marinong ama.

“Please help us to investigate. Please help us kung anong gagawin,” sulat ni Gerlyn.

Gusto ni Gerlyn at ng kanyang pamilya na makamit ang hustisya na deserve ng kanyang ama. 

Source: facebook