Marami ng mga Pinoy ang sumalang sa mga International contests at labis na pinahanga ang mga judges sa ginawang performance nito. Kakaiba talaga ang talento ng Pinoy pagdating sa kantahan.
Katulad na lang ng nangyari sa isang sampung taong gulang na si Peter Rosalita mula sa mga judges at audience ng America’s Got Talent. Labis ang pagkahumaling ng mga judges sa naging performance ni Peter.
Napa nga-nga nalang ang mga judges matapos niyang kantahin ang “All By Myself” sa kanyang audition para sa 16th season ng sikat na US talent show competition.
Matapos ang kanyang pag-awit any nakatanggap siya ng masigabong palakpakan at standing ovation mula sa mga hurado ng America’s Got Talent na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Sofia Vergara at Howie Mandel.
Isa sa mga hindi makakalimutang naging komento ng isa sa mga judges ay si Simon Cowell. Heto ang naging komento ng isa sa mga batikang hurado:
“That was an incredible audition. There were parts during the audition which literally gave me goosebumps. You have an amazing voice, an amazing personality, and an amazing energy. Everyone is going to fall in love with you after this audition.
Sinabi naman ni Howie Mandel na malayo ang mararating ng batang singer na si Peter Rosalita.
Ang hirit naman ni Heidi, tila ay may mababasag na salamin sa sobrang taas ng boses ni Peter. “Mariah [Carey] better watch out.”
Pagkatapos ng kanyang performance ni Peter, nakakuha siya ng apat na “yes” mula sa mga judges sa kanyang audition kaya pasok na pasok si Peter para sa susunod na round ng kompetisyon.
Si Peter ay ipinanganak si Abu Dhabi, UAE, pero ipinagmamalaki niya ang pagiging Filipino citizen niya ayon sa naging sagot niya sa interview bago siya sumalang sa audition round.
Sa kasalukuyan [as of this writing], mayroon ng 15 million views ang kanyang audition video na naka-upload sa official Facebook page ng America’s Got Talent.
Sa YouTube channel ng America’s Got Talent, ay mayroon na itong 1.4 million views.
Labis naman ang naging pasasalamat ni Peter sa lahat ng mga nanood ng video niya. Nagparating siya ng kanyang mga pasasalamat sa mga netizen na sumuporta at naniniwala sa kanya.
“Happiness comes in many forms and I am so blessed to have found it doing what I love the most - singing. I have #AGT to thank for making a small boy’s dream of having the world hear his big voice come true. Much love to all who support and believe in me,” post ni Peter.
Hindi talaga maitatanggi na pang world class ang talento ng Pinoy. Kahit saang parte papuntahin ang mga Pinoy, kapag ito ay nakatungtong na sa entablado, tiyak na may ibubuga talaga.
Ito ay isa lamang sa mga halimbawa ng mga istoryang nagpapatunay na hindi basta basta ang talento ng isang Pinoy.