Sa mundong ginagalawan natin, hindi talaga mawawala ang ang mga taong mapanghusga at mapanglait lalong lalong pa naman hindi nila alam ang buong kwento ng isang tao na kanilang hinuhusgahan.
Ugali na talaga ng isang tao na manghusga at sabihin kung anong gusto nilang sabihin kahit ito ay ikakasakit pa ng damdamin ng isang tao na wala namang maling ginawa sa kanila. Hindi lang talaga maalis sa pag-uugali ng isang tao na kung ano ang nakikita ng mata ay yun na ang buong istorya.
Marami sa atin ang mahilig gumawa nito at marami rin sa atin ang naging biktima na ng maling hinala at pilit ginagawan ng istorya na hindi naman talaga totoo.
Ang masaklap rito ay kung mapapaniwala pa niya na ang ibang tao na totoo ang istorya na kanyang pinagkakalat sa harap ng publiko. Mga agarang komento na hindi namalayan na nakakasakit na pala sa damdamin ng iba.
Kagaya na lamang ng nangyari sa 25 taong gulang na babae na si Fu Xuewei na isang Chinese. Siya ay isang entrepreneur sa Chengdu China na kung saan inupload niya mismo sa kanyang social media ang kanyang mga larawan kasama ang isang matandang lalaki.
Agaw atensyon ang iba pa niyang mga larawan na kung saan nakasuot siya ng mga agarang wedding dress at ang iba naman ay mga cute moments nilang dalawa ng matandang lalaki.
Inulan ng maraming komento si Fu. Samu’t saring mga komento ang kanyang natanggap mula sa mga taong nakakita ng kanyang post. Binanatan pa siya na “gold digger” daw dahil pera lang ang habol niya sa pagpapakasal sa matandang lalaki.
Dagdag pa ng mga nagbigay ng komento, papakasalan daw pagkatapos mag file ng divorce statement kasama ang hatian ng pagmamay-ari ng mga properties.
Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan, ang dahilan ng kanyang pag post ng mga larawan na ito ay para batiin ang kanyang lolo sa kanyang ika 87th birthday.
Ang lalaki palang pinaghihinalaan nilang nobyo o papakasalan ng babae ay kanya palang lolo.
Kung hindi lang bibigyan ng malisya ang larawan na ipinost ni Fu, masasabi talaga na labis ang pagmamahal ni Fu sa kanyang lolo at bata pa lang ito ay malapit na siya sa kanyang lolo.
Si Fu ay isa lamang sa mga mapagmahal na apo na ang nais lang ay maipakita sa lahat ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang lolo.
Pinost niya ang mga larawan na ito para batiin lamang ang kanyang lolo at maiparamdam ang pagmamahal niya sa kanyang lolo. Hindi siya isang gold digger kundi isang tunay na mapagmahal na apo.
Isa lamang ito sa mga halimbawa na hindi dapat manghusga sa isang tao lalong lalo na hindi mo pa alam ang buong istorya nito. Hinay hinay lang din sa pagbibitiw ng komento dahil maaaring ikakasakit ito ng damdamin ng isang tao.
Bawat tao ay may kanya-kanyang istorya kaya nararapat lamang na irespeto ang kanilang mga desisyon at kung ano ang kanilang mga pinipiling direksyon sa buhay.
Hindi sakto na padalos dalos lang tayo sa pagbibitiw ng ating mga salita. Nararapat lang na alamin muna ang buong istorya at magbigay ng komento ng naaayon sa nilalaman ng kwento.
Source: theartikulouno