Sino ba naman ang mag-aakala na ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng isang tao ay hindi inaasahang mauuwi sa isang trahedya. Sa Brazil, ganito ang nakakagulat at nakakalungkot na nangyari sa mga ikakasal na sanang sina Jessica Guedes at Flavio Goncalves.
Ilang sandali lamang bago ang seremonya ng kanilang kasal, habang nakasakay sa isang limousine papuntang simbahan ay biglaang nagkaroon ng hindi magandang pakiramdam ang bride na si Jessica, 30 taong gulang. Pitong buwang buntis na ito noon.
Akala ng mga ito ay normal na kaba lamang ang nararamdaman ni Jessica ngunit, sintomas na pala ito ng pre-eclampsia. Kaya naman, nang tuluyan na itong dumating sa simbahan, bigla na lamang itong nawalan ng malay. Samantala, si Flavio, 31 taong gulang, ay naghihintay na sana sa loob ng simbahan. Pagbabahagi pa nito tungkol sa nangyari,
“I was worried because I was waiting for her at the altar and she was taking ages to come in. A cousin of hers ran down the carpet and told me that she had passed out. I opened the car door and she was lying down but regained consciousness to talk to me. I said to her, ‘Baby, I’m here.’..
“She replied that everything was fine, but that she had a severe pain in the back of her neck. At that moment, I became a rescuer, as I have been for seven years with the Fire Department. I took her out of the limo, started first aid and asked for help from my firefighter friends who were there as guests.”
Suot-suot pa ang kanyang wedding gown ay agad na isinugod ng mga ito si Jessica sa ospital. Dinala agad ito sa emergency room kung saan, isang nakakagulat na balita ang isinaad sa kanila ng doktor. Ani nito ay malubha na ang bride matapos makaranas ng stroke na dulot ng pre-eclampsia at internal bleeding.
Upang maisalba ang bata ay sumailalim si Jessica sa C-section. Dahil dito kaya nailigtas nila ang kanilang anak na isang babae. Ngunit, huli na ang lahat para kay Jessica na idineklara ng mga doktor na brain dead. Si Jessica ay isang nurse.
“When we got there the doctor who attended us said that the problem was complex… I just wanted to save the life of my wife and our daughter. I felt a joy and thought everything was fine. I called everyone and said Sophia was born...
“Only nobody gave me news about Jessica and I started to get desperate. Until a doctor called me into the room and said she had had internal bleeding, that they needed to remove her uterus… The doctor called me into another room and said she had been brain dead. He asked me to come into the room to say goodbye.
“I could only cry, pray and ask for strength to God. I felt very scared, a desperation began to take over. But I remembered how much we wanted our daughter, Sophia, and that she now needed help because I would have to be the father and mother of an ICU baby,” ani pa ni Flavio tungkol sa trahedya.
Hindi umano inasahan ng sinuman na magkakaroon ng pre-eclampsia si Jessica. Inalagaan umano nito ang sarili at ang kanyang pagbubuntis at kompleto rin umano ito sa bakuna.
Kaya naman, hindi rin makapaniwala si Flavio at ang kanilang pamilya sa trahedya na nangyari sa isa sana sa pinakamasayang araw sa kanilang buhay.