Patuloy pa rin umiinit ang isyu tungkol sa kontrobersyal na 'crispy fried towel' na kumalat matapos ipost ng isang netizen ang kanyang reklamo laban sa isa sa pinakasikat na fast food chain sa Pilipinas.
Dahil sa nag viral na isyu, nag trending ang isang Koreana matapos gumawa ng kanyang vlog sa kanyang sariling channel.
Sa kanyang latest vlog, gumawa siya ng content tungkol sa isang kontrobersyal na Jollibee crispy fried towel bilang experiment.
Ang kanyang vlog ay pinamagatang "Korean Tries JOLLITOWEL Recipe- Mistake or Sabotage? Sinubukan niyang i-deep fry ang towel na naka form sa shape na chicken.
Matapos ang kanyang naging eksperimento, kitang kita sa kanyang video na nagmumukhang totoong crispy fried chicken ang kinalabasan nito.
Sa paggawa niya ng crispy fried towel, sinunod niya ang proseso ng pagluto sa KFC (KFC style). Una ay binabad niya ang towel sa flour tapos binabad sa tubig at sa harina ulit.
Nang maluto na ang crispy fried towel ay ipinakita ni Mr. BulBul at sobrang na amaze siya dahil sa nagmukha talaga itong totoong fried chicken.
Gumawa siya ng dalawang crispy fried towel dahil sobrang namangha siya sa naging outcome ng kanyang experiment.
Ang Koreanong vlogger ay gumawa siya ng kanyang sariling "thoughts and theories" tungkol sa crispy fried towel na mabilis kumalat sa social media.
Sinabi ni Mr. BulBul, ang Koreanong vlogger, "I don't know what it is. I cannot tell if it's a fake or just a simple mistake, I don't know. I don't want to say about it. I'm just amazed by its look."
"Today, I will try what happens if I deep fry a chicken towel?" dagdag pa niya.
Ang video ng nasabing vlogger ay umani ng mga papuri dahil naging informative ang naging video nito. Sabi ng marami, marami raw ang pwedeng matutunan sa nakitang video.
Heto ang ilan sa mga naging komento ng nakapanood ng kanyang video:
"Mr. Bulbul doing it for SCIENCE!"
"This is SPOT ON! Mr. Bulbul doing Jollibee a favor here."
"This is exactly what I was thinking. Thanks for the vid, Mr. BulBul! Much love from PH."
"No matter what I still love Jollibee. It's impossible for the company to do something bad to their own product for sure its sabotage."
"Watching this exclusive Mr. BulBul experiment, it surely took a lot of effort to put the towel into the shape of a piece of chicken."