Trending ngayon sa Facebook ang ibinahaging post ng isang netizen kung saan, isinaad nito ang ginawang pananakit umano sa kanya ng kanyang karelasyon sa harapan pa mismo ng kanilang anak.

Sa naturang post, hindi naiwasan ng maraming mga netizen ang maawa at magalit dahil sa sinapit ng naturang babae. Base sa larawang ibinahagi ni Yel Yel, kita ang pasa sa kanyang mukha na gawa ng pananakit dito ng kanyang karelasyon.

Umiiyak din ito kung saan, kita ang sakit at paghihirap na pinagdaraanan niya sa kamay ng ama ng kanyang anak. Ngunit, tinitiis ito ni Yel Yel dahil din umano sa kanilang anak. Alam daw nito ang pakiramdam na hindi magkaroon ng buong pamilya kaya kahit hindi na tama ang trato sa kanya ay nanatili ito para sa kanilang anak.

Kaya naman, dahil sa sinapit niyang ito ayisang payo ang ibinahagi ni Yel Yel para sa mga kapwa niya umano babae. Ani nito, sana raw ay humanap ang mga ito ng lalaki na kahit hindi gwapo ay kaya naman silang irespeto. 

Iyong lalaki na hindi umano sila sasaktan sa harapan pa ng kanilang anak gaya na lamang nang ginawa sa kanya ng karelasyon nito. Malaki man ang pagsisisi ay animo’y wala itong magawa kaya ang pagpapayo na lamang ang ginawa ni Yel Yel.

“Grabe jud ako pagmahay nagano nibalik pako. Pero di ko ninyo masisi kay gikan nako na broken family, dili lang ko gusto nga maagian sa akoang anak akong naagian! Mao nisakripisyo nalang pud ko,” ani pa nga ni Yel Yel.

[Napakalaki ng pagsisisi ko kung bakit bumalik pa ‘ko sa relasyong ‘to. Ngunit di n’yo rin ako masisisi kasi galing ako sa isang broken family ata ayokong maranasan din ng anak ko ‘yon. Kaya ako nagsakripisyo.]

Pagbabahagi pa nito, sinubukan niya na raw dati na umalis sa naturang relasyon. Ilang beses niya na umanong naranasan na masaktan nito. Hindi umano ito ang unang pagkakataon kaya hindi na rin ito bago sa kanya.

Hindi na nga raw ito natatakot kung ano pa ang gawin nito sa kanya kahit na mamatay pa raw siya sa harapan ng kanyang anak. 

Kaya naman, pagdidiin pa ni Yel Yel, huwag daw tumulad sa kanya ang ibang mga babae at mas piliin umano ng mga ito na humanap ng lalaki na kaya silang respetuhin at hinding hindi sila sasaktan kailanman lalo na sa harapan ng kanilang anak. Iyong lalaking responsable at alam umano kung paano tumanaw ng utang na loob.

Ang post na ito ni Yel Yel ay agad naman na naging trending at umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen. Dito, karamihan sa kanila ay naghayag ng kanilang pag-aalala para kay Yel Yel at sa anak nito.

Ani ng mga ito, hindi na raw kailanman magbabahago pa ang karelasyon nito kaya sana raw ay iwan at huwag na itong balikan pa ng netizen para na rin sa kapakanan nito at ng kanyang anak. Hindi raw nito kailangan ng ganoong klaseng lalaki sa kanyang buhay.

Samantala, maliban dito ay mayroon ding ilan na nais idulog ang sitwasyon ni Yel Yel sa programa ni Raffy Tulfo upang siya ay matulungan.

Source: facebook