Tunay ngang sikat na sikat ang fast food na Jollibee na maging sa ibang bansa ay kilala na ito. Maging ang kanilang mga menu sa fast food restaurant na ito ay tinatangkilik na rin hindi lang sa Pilipinas kundi sikat na internasyonal. 

Katulad na lamang ng nag viral na komento ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau tungkol sa sinabi niya sa sikat na Jollibee spaghetti. 

Sinabi ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na "hindi niya raw maintindihan." Sa pagkaintindi ng marami, parang hindi nasarapan ang Prime Minister ng Canada. 

Sa isang virtual celebration ng Filipino Heritage Month, naikwento ni Trudeau ang mga pagkaing Pinoy na kanyang kinagigiliwan. 

“I got to go to Jollibee, both in Manila, but especially in Winnipeg and, and that spaghetti stuff don't quite understand," sabi ni Prime Minister Justin Trudeau. 

Ngunit agad namang bumawi si Trudeau sa kanyang komento na pasok naman sa panlasa niya ang peach mango pie at iba pang pagkain sa Jollibee. 

“But the mango pie and everything else was just amazing,” dagdag pa niya.

Sa katunayan nga ay ibinahagi ni Prime Minister Justin Trudeau na inaral na ng kanyang asawa ang isang sikat na recipe ng mga Pinoy ang 'chicken adobo.'

Pinasalamatan din ni Trudeau ang mga Filipino frontliners sa Canada na inaasahan din ng kanilang bansa ngayong pandemya. 

Hinikayat din niya ang mga Filipino-Canadian na maging bahagi ng pamahalaan ng kanilang bansa upang magkaroon lalo ng boses ang mga kababayan nating naroon. 

“If not now, then in the coming years. Some strong young Filipino Canadians stepping up and saying you know what, it's time my voice got heard. I want to be part of this, and we will welcome you with open arms,” pahayag pa ng pinuno ng Canada. 

Matatandaan na taong 2017 bumisita sa bansa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau para sa ASEAN Summit. Bukod sa naki-order din siya sa Jollibee North Harbour Branch sa Manila, nagpaunlak pa siyang makihalaubilo sa mga customer roon.

Nito ring mga nakaraang taon lang ay tinamaan ng COVID-19 ang kanyang asawa na si Sophie kaya naka quarantine noon ang kanilang buong pamilya. 

Ang Jollibee ay isang sikat na fast food chain na kilala sa kanilang unique at hinahanap hanap na lasa ng kanilang Chickenjoy. Patok sa panlasa ng mga bata, magbarkada at ng buong pamilya. 

Source: KAMI