Isa sa mga matatawag nating mga frontliners sa panahon ng pandemya ay ang ating mga food riders na siyang naging katuwang natin upang mabawasan ang hassle na lumabas para bumili lang ng pagkain.
Sila ang nagsilbing emergency riders na siyang tinatangkilik ng marami dahil sa taos pusong pag serbisyo para lang maging satisfied ang kanilang mga customers.
Ngunit paano kapag mismong mga riders na natin ang siyang nalagay na sa peligro, handa ba tayong tulungan din sila gaya ng pagtulong nila sa atin?
Kagaya na lamang ng nangyari sa isang food rider na ibinahagi ng kanyang customer ang hindi kanais nais na pinagdaanan ng food rider para lang mahatid nang maayos ang kanyang order.
Isang babae ang nagngangalang Maria Kriselda Galon na ibinahagi ang kanyang naranasan nang naghintay siya ng ilang oras sa kanyang order at labis na nag-aalala kung ano na ang nangyari sa food rider.
“Binabantayan ko ang galaw ni kuya rider sa map… Moving siya nung una. Tapos na-stuck siya sa isang location, hindi na nagmo-move… Waiting na ako outside ng office. Wala pa din. Tapos I checked my phone, may missed call na si kuya rider tapos saktong dumating na din siya at pansin niyang ako na nga ’yung nag-a-abang,” sabi ni Galon.
Nang madeliver na ang kanyang pagkain, napansin niya ang butas butas na pantalon at mga sugat ng food rider. Yun pala ay sa kanyang daan papunta sa office ng kanyang customer ay naaksidente umano ang food rider.
“Habang nagso-sorry siya, natulala na ako, nakatingin sa kanya, butas ang pantalon sa parteng tuhod, may mapulang sugat, may dugo sa siko, braso at pati kamay dami gasgas. Nanlumo ako. Di ako maimik,” sabi niya.
Sinabi ni Galon na ang nakit niyang sitwasyon ay nakakapag realize umano sa kanya sa mga posibleng risks na maaaring maranasan ng mga food riders para lang maserve ito ng maayos sa kanilang mga clients.
“Sa halagang 300 pesos na order ko, magiging kapalit ang buhay ni kuya rider. Nagi-guilty ako. Kung nagbaon na lang sana ako, hindi sana siya nagkaganun,” she added.
“Let’s be kind, understanding and pwede din na maging generous sa kanila. Abutan natin ng inumin or kung anong snacks,” ibinahagi ni Galon sa kanyang post.
Maraming mga netizen ang labis na naawa at sumaludo sa nasabing food rider.
"DELIVERY RIDERS ARE FRONTLINERS, TOO. π₯Ίπ₯Ί READ THAT AGAIN. Sumasabak rin sila sa panahon ng pandemyang ito. Mapa-food delivery service man yan or orders mo sa online shopping, kumakayod sila just to deliver these "goods" to us as we enjoy the comfort of our homes. Risking their own lives while doing so. π The least we could do is to ALWAYS REMAIN KIND TO THEM. I SALUTE YOU PO, DEAR RIDERS. God bless you all ππππ»"
"Promise po mga Sir lagi ko pa rin kayo isasali sa pag order ko kahit di ko man maibigay sa inyo ung katulad ng pagkain na gusto ko π Pagpalain pa po kayong lahat"π€
"I remember my 9 year old telling me, "Ang sarap sana Mommy magpadeliver today ng Milk Tea, kaya lang umuulan. Kawawa naman ang rider, mababasa sila baka maaksidente pa kasi slippery ang kalsada."
Everytime na umuulan, hindi talaga kami nagpapadeliver. Sobrang risky para sa mga rider."