Hinangaan at umani ng papuri ang mag-asawang ito sa isang viral Facebook post dahil sa ginawa nilang pagtulong sa isang matandang walang saplot na palaboy laboy lamang sa lansangan.
Ayon sa Facebook post na ibinahagi ni LJ nitong Biyernes, nang makita umano nila ng kanyang asawang si Wilfredo ang matanda na walang anumang suot na damit sa may Caloocan ay nakaramdam umano sila ng awa para rito.
Sa sitwasyon nito ay hindi malayong baka pagtawanan lamang ito ng iba kaya naman, walang pagdadalawang isip na binilhan ito ng damit ng mag-asawa kahit sa ukay-ukay lamang para kahit papaano ay mayroong maisuot ang matanda.
Buti na nga lamang umano at may malapit na tindahan silang nakita na pwedeng pagbilhan ng damit. Maliban dito ay bumili rin sila ng makakain at maiinom na ibinigay nila kay tatay matapos nila itong bilhan ng damit.
Sa mga larawan na kanilang ibinahagi, makikita na tinulungan pa mismo ni Wilfredo si tatay na maisuot ang mga binili nilang damit para rito. Kahit papaano ay mas maayos na ang sitwasyon ni tatay dahil sa damit na suot nito at kaunting pagkain na ibinigay rito.
Kaya naman, agad na naging viral ang Facebook post na ito ni LJ at umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizen. Karamihan sa mga ito ay naantig at natuwa sa ipinamalas na kabutihan ng mag-asawa sa matanda.
Bihira na lamang ang mga taong ganito sa panahon ngayon kaya ganoon na lamang ang kanilang papuri at paghanga para kina LJ at Wilfredo.
Samantala, matapos magviral ang kanyang post ay nagbigay naman ng karagdagang impormasyon si LJ tungkol kay tatay. Ayon dito, mayroon umanong nagpadala sa kanya ng mensahe kamakailan lang tungkol sa isang kamag-anak umano na nawawala.
Mayroong ipinakitang larawan ang mga ito kay LJ dahil nagbabakasakali ang mga ito na si tatay na tinulungan ng mag-asawa ang kanilang nawawalang kamag-anak. Ayon naman kay Wilfredo na nakaharap mismo ni tatay, ito nga umano ang kanilang hinahanap.
Kaya naman, panawagan ngayon ni LJ sa mga netizen at sa mga nakakita kay tatay:
“Sana po magkita na kayo… Sa mga nakapansin po kay tatay, paki-message po ako para mas mabilis po na makauwi si tatay sa pamilya niya. Maraming salamat po ingat palagi. God Bless us always.”
Sa ngayon ay umabot na sa halos 90,000 reaksyon ang naani ng Facebook post na ito ni LJ at shares na umabot na rin sa mahigit 50,000. Patuloy pa itong dumadami pati na rin ang mga positibong komento na naaani nito mula sa mga netizen.
Heto naman ang ilan lamang sa mga positibong komento ito na ibinahagi ng mga netizen sa naturang viral Facebook post:
“This is priceless. The act of kindness, very rare but to be treasured. May God bless you both.”
“Nakakatuwa! May mga mabubuting tao pa rin pala. Godbless sa inyo.”
“Ganito ‘yung mga gusto kong nakikita sa Facebook, e… God Bless you, sir!”
“Ganito sana lahat. Instead pagtawanan, gawan ng paraan. Salute to you, kuya.”
“Atleast, sa libo libong tao sa mundo, may isa pa ring busilak ang puso na marunong tumulong sa taong nangangailangan.”